IN PHOTOS: Awarding Ceremony of Top Taxpayers in 2023

February 29, 2024



























Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang Top Taxpayers nito mula sa hanay ng Business Taxes at Real Property Tax para sa taong 2023 na may temang "One of the Pillars of Progress: Honoring our Tax Contributors" sa ginanap na Awarding Ceremony noong Martes, February 27, 2024 sa The Grove by Rockwell.
Bukod sa pagkilala sa Top Taxpayers, layunin din ng Awarding Ceremony ang pagpapaabot ng pasasalamat sa mga ito para sa kanilang pagbabayad ng wastong buwis sa wastong oras - na talaga namang malaking tulong para sa patuloy na pagpapabuti pa ng mga programa at protekto ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga PasigueƱo at mga namumuhunan dito.
Kaiba sa mga naunang awarding ceremony ng Top Taxpayers noong mga nakaraang taon, hindi lamang mga malalaking korporasyon ang kinilala para sa taong 2023. Sa kauna-unahang pagkakataon ay maging ang sole proprietors (business taxes) at individuals (real property taxes) ay kinilala rin para sa kanilang malaking kontribusyon para maabot o mas mahigitan pa ang target collection ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig noong nakaraang taon (naka-blur ang kanilang mga mukha sa photos at hindi kasama sa post ang listahan para sa kanilang proteksyon at privacy).
Para simulan ang programa, nagbigay ng opening remarks si City Treasurer Marita Calaje. Sinundan naman ito ng pagbibigay ng inspirational messages nila Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr. Matapos nito ay kinilala na ang top 10 taxpayers para sa business taxes (categories: corporations at sole proprietors) at top 10 taxpayers para sa real property taxes (categories: corporations at individuals).
Matapos ang awarding proper, nagbigay naman ng mensahe, bilang kinatawan ng top taxpayer awardees, si Atty. Isagani Elias Elacio, ang External Affairs Head and Legal Manager ng Ortigas Company and Ltd. Partnership na siyang over all top taxpayer mula sa Business and Real Property Taxes - Corporation. At natapos ang programa sa pagbibigay ng closing remarks mula kay City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero.
Ang pagsasagawa ng Awarding Ceremony para sa Top Taxpayers ay pinangunahan ng City Treasurer's Office.