November 13, 2025
Pinarangalan ng Department of Finance - Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) ang Lungsod ng Pasig sa ginanap na Stakeholders' Recognition bilang pagkilala nito sa maayos at mahusay ng pamamahala sa pondo ng lokal na pamahalaan.Sa apat na performance indicator areas na naging basehan sa pagbibigay ng parangal, nakatanggap ng tatlong awards ang Lungsod ng Pasig:• 𝐓𝐨𝐩 𝟒 𝐂𝐢𝐭𝐲 | 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞𝐬 Ipinapakita nito ang kakayahan ng Pasig sa pagkolekta pondo (mula sa buwis at bayarin), na mahalaga sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at serbisyo. • 𝐓𝐨𝐩 𝟐 𝐂𝐢𝐭𝐲 | 𝐑𝐚𝐭𝐢𝐨 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐓𝐨𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐮𝐫𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐜𝐨𝐦𝐞Nagpapaghiwatig ito na maatas ang antas ng Fiscal Autonomy sa Pasig. Ibig sabihin, hindi tayo masyadong dumedepende sa National Tax Allocation (NTA) mula sa nasyonal na pamahalaan at mas marami ang ginagamit na lokal na pondo para sa mga proyekto at programa.• 𝐓𝐨𝐩 𝟏𝟎 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐥𝐲-𝐔𝐫𝐛𝐚𝐧𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐂𝐢𝐭𝐲 | 𝐘𝐞𝐚𝐫-𝐨𝐧-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐆𝐫𝐨𝐰𝐭𝐡 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞𝐬Ito ay pagkilala ng patuloy ang paglago at pag-unlad ng lokal na ekonomiya sa Pasig. At ang mga reporma sa pamamalakad at pagpapabuti ng koleksyon ay matagumpay na nagpapataas ng taunang kita ng Lungsod ng Pasig.Pinangunahan nina City Treasurer Marita Calaje at City Assessor Robert Mina ang delegasyon ng lokal na pamahalaan na tumanggap ng awards para sa Lungsod ng Pasig.__Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagtitiwala ng mga mamamayan at iba pang stakeholders sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Ang mga parangal na ito ay hindi lamang tagumpay ng ating lungsod, kundi naging posible rin ito dahil sa maagap at wastong pagbabayad ng buwis ng ating mga mamamayan. Kaya naman sa inyo, mga Pasigueño — maraming salamat sa inyong pagtitiwala at pakikiisa! At congratulations! __Highlight din ng naging programa ang Audio Visual Presentations bilang paglulunsad ng Valuation and Assessment Manuals at ng Integrated Electronic Official Receipt (eOR) kung saan isa sa pilot local government units ang Lungsod ng Pasig. Kaugnay nito ay nagbigay ng video message si Mayor Vico Sotto bilang suporta sa implementasyon ng eOR system.Mapapanuod ang kabuuan ng Skaheholders' Recognition sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1BUAiD2y7R/__Layon ng Stakeholders' Recognition na isinagawa bilang parte ng selebrasyon ng ika-38 Anibersaryo ng DOF-BLGF na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na pagandahin ang paglikom ng pondo sa pamamagitan ng epektibong mga estratehiya sa koleksiyon, gamit ang mga makabagong pamamaraan; Habang tinitiyak na ang mga estratehiya at inobasyong ito ay naaayon sa Local Government Code at sa mga kaugnay na patakaran at regulasyon, upang isulong ang best practices sa pananalapi ng lokal na pamahalaan.(Photo Credits: DOF-BLGF)
May 31, 2024
COVID-19 Cases in Pasig CityFrom the Department of HealthAs of May 29, 2024, Wednesday(Data based on
STATE OF THE CITY ADDRESS
For information, complaints, grievances, and/or suggestions, you may send us a message through the following:
Social Media
www.facebook.com/ OfficialUgnayanSaPasig
or call
8643-1111 local 1211, 1212, or 1213