World Suicide Prevention Month 2026

September 2, 2026

Isang mahalagang paalala mula sa City Health Department - Mental Health Office - Pasig City bilang pakikiisa sa World Suicide Prevention Month ngayong Setyembre!
Ang suicide prevention ay nagsisimula sa simpleng pagkumusta, pakikinig, at pag-unawa sa mga taong nasa paligid natin. Mahalaga ang pagkakaroon ng ligtas na espasyo kung saan malayang maipapahayag ng bawat isa ang kanilang nararamdaman at makakahingi ng tulong nang walang takot sa panghuhusga.
Sa tahanan, paaralan, lugar ng trabaho, at komunidad, makakatulong ang ating pagiging mapagmalasakit. Minsan, ang isang simpleng pangungumusta at taos-pusong pakikinig ay maaaring maging mahalagang hakbang upang maramdaman ng isang tao na hindi siya nag-iisa.