World No Tobacco Day 2025
May 31, 2025
























πππ² ππ π’π¬ ππ¨π«π₯π ππ¨ ππ¨πππππ¨ πππ²!
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagtalima sa World No Tobacco Day ngayong araw, May 31, 2025, na may temang: Unmasking the Appeal: Exposing Industry Tactics on Tobacco and Nicotine Products.
Sa pagtutulungan ng Anti-Smoking Task Force ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office at City Health Department, ay nagsagawa ng programa sa Buting Linear Park na dinaluhan ng stakeholders mula sa Pamahalaang Lungsod, national government agencies, civil society organizations, at Pamahalaang Barangay ng Buting at San Joaquin, sa pangunguna ng mga Sangguniang Kabataan ng mga ito.
Highlight ng programa ang naging paglagda ng Pledge of Commitment: Promoting Smoke-Free Parks and Recreational Facilities for a Healthy Community and Environment in the City of Pasig. Sa maiksing programa rin inanunsyo ang mga nanalo sa Poster Making Contest at pagpapahayag din ng messages of support mula stakeholders ng lungsod.
Bago opisyal na sinimulan ang programa ay nagkaroon ng tree planting activity sa Buting Linear Park. At bilang pagtatapos naman ay nagkaroon ng motorcade na nilahukan pa rin ng iba't ibang tanggapan ng lungsod at mga barangay, maging mga mula sa nasyonal na pamahahalaan at civil society organizations na parte rin ng Anti-Smoking Task Force ng Lungsod ng Pasig.
Happy World No Tobacco Day! Kasunod ng World Tobacco Day ngayong araw ay ang National No Smoking Month naman na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo. Abangan ang mga aktibidad na ilulunsad kaugnay nito na may kinalaman di lamang sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga tao kundi maging ng kapaligiran.