Women's Health Caravan para sa selebrasyon ng 2025 National Women's Month noong Marso
April 1, 2025






















Bilang selebrasyon ng International Women’s Month, nagsagawa ang City Health Department, sa pamumuno ng HEPO, kaagapay ang iba't ibang programa mula sa Family Planning, Cancer Prevention Program, HPV Vaccine Team, Social Hygiene Clinics, GAD Office, at sa pakikiisa ng pribadong sektor tulad ng MSD, ng Women’s Health Caravan para sa ating mga Pasiguena sa mga sumusunod na lugar at petsa:
-Barangay Maybunga Bliss – Marso 2, 2025
-Pamantasan ng Lungsod ng Pasig – Marso 25, 2025
-Temporary Pasig City Hall – Marso 26, 2025
-Barangay Manggahan Covered Court – Marso 27, 2025
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, nagbigay ng iba't ibang libreng serbisyo tulad ng mga sumusunod:
- Lecture sa ating mga Pasiguena patungkol sa mga topic tulad ng Safe Space Act, Breast and Cervical Cancer Awareness, Family Planning, at HIV 101
- Breast Examination
- Pap Smear at Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) upang maagang matukoy ang posibilidad ng pagkakaroon ng cervical cancer
- HPV Vaccine laban sa Cervical Cancer
- HIV Screening
- Pagbibigay ng iba't ibang uri ng Family Planning Methods
Ito ay isang inisyatibo ng ating lokal na pamahalaan upang palawakin ang kamalayan at bigyang-importansya ang kalusugan ng mga kababaihan. Pasiguena, ang pagpapahalaga sa ating sarili ay katulad ng pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating mga pamilya. Tayo ay hindi babae lang, bagkus tayo ay babae na may kaalaman, may kalakasan, at may kakayahan.