#WALANGPASOK | November 10-11, 2025
November 9, 2025
#πππππππππππ ππππππππ
Alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 106, s. 2025, suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasig bukas at sa Martes, November 10-11, 2025.
Suspendido rin ang pasok sa mga tanggapan sa Metro Manila, kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig bukas, November 10, 2025, LIBAN sa mga opisina na deployed para sa disaster preparedness at response, at health center sa mga barangay.
Ito ay kaugnay ng inaasahang epekto ng Super Typhoon #UwanPH sa lagay ng panahon.
Hanggaβt maaari, ipagpaliban muna ang paglabas ng tahanan kung hindi naman mahalaga ang pakay.
Mag-ingat po ang lahat.