Walang Pasok Advisory | August 26, 2025
August 25, 2025
Walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pambublikong paaralan, maging sa mga tanggapan ng pamahalaan (kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig) sa National Capital Region bukas, August 26, 2025.
Ito ay alinsunod sa naging anunsyo ng Department of the Interior and Local Government, Presidential Communications Office, at Office of the President Memorandum Circular No. 94, s. 2025 kaugnay ng inaasahang masamang lagay ng panahon dulot ng low pressure area at hanging Habagat.
Samantala, mananatiling may operations ang mga tanggapan na may kinalaman sa disaster preparedness at response, at sa lahat ng Barangay Health Centers, Super Health Centers, Public Lying-in Clinics, at Animal Bite Centers (kabilang ang nasa Pasig Sports Center — tanging anti-rabies vaccination lamang ang magiging transaction dito bukas).
Mag-ingat po ang lahat.