Updates mula kay Mayor Vico Sotto | July 23, 2025

July 23, 2025

📣 UPDATES for Wednesday July 23, 2025 yellow:

1. 🙏 Good news- Marikina River Water Level nasa 14.3 meters na lang ulit (as of 5pm);

2. 🟡 Pero ingat pa rin po. Nasa ilalim pa rin tayo ng "Yellow Rainfall Warning" (DOST-PAGASA as of 5pm)

➡ mananatili pa ring bukas ang mga evacuation center at naka alert pa rin tayo.

3. 🍲 Namahagi ang LGU ng hot meals at relief goods sa mga pamilyang lumikas at nagpalipas ng gabi sa evacuation centers. Umabot tayo sa mahigit 15,000 na indibidwal sa 27 center;

4. 🤝 Maraming salamat kina DOH Secretary Ted Herbosa at DSWD Secretary Rex Gatchalian na bumisita sa Pasig kanina. Lagi silang tumutulong sa atin;

5. 🌧 Alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular no. 91 s-2025, wala pa rin pasok ang mga estudyante (#WalangPasok, all levels, public & private);

6. 🌧 Alinsunod din sa OP MC na ito, mananatiling sarado ang mga tanggapan ng Pamahalaan. (Pero siyempre papasok pa rin ang mga essential personnel);

7. ⚫ Bubuksan na ng Pasig LGU ang tanggapan para sa DEATH REGISTRATION + ISSUANCE OF DEATH CERTIFICATES, dahil kawawa naman ang mga namatayan (Temporary Pasig City Hall). Isasama na natin ang tanggapang ito sa "essential personnel";

 8. ✔ Wag po mag-alala ang Octogenarians, Nonagenarians, at Centenarian mag-schedule po ulit ang OSCA ng payout;

9. 👨‍💻 Sa BUSINESS OWNERS, wag mag-alala. July 21 ang unang deadline para sa "Assessment and Payment of Business Taxes and Dues for 2025 Quarter 3", pero EXTENDED ito hanggang sa NEXT WORKING DAY.

#PasigCity #Habagat for more updates Pasig City Public Information Office salamat po at ingat!!