Update mula kay Mayor Vico Sotto: Lease Agreement para sa 600 Pamilya sa ISMAR, Kalawaan

August 20, 2025

Eto na po!! Ang mga kontrata sa LEASE-PURCHASE AGREEMENT para sa mahigit 600 pamilya ng ISMAR KALAWAAN!

Sa mga taga-ismar, pagkatapos ng ilang DEKADA, sa inyo na po ang lupa. Pero konting paalala lang po sa napagkasunduan natin:

(1) Alinsunod sa kontrata, babayaran niyo ito ng hulugan sa abot-kaya pero tamang halaga. May mga tulong ang LGU gaya ng libreng survey, pero hindi po pwedeng libre ang lupa... To be fair to all taxpayers and residents of Pasig.

(2) Dahil sa inyo na ang lupang kinatitirikan ng inyong mga bahay, may kaakibat itong RESPONSIBILIDAD para alagaan ang nasabing lupa.

👉 Para sa kapakanan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad, kailangan natin tanggalin ang mga istrukturang sumobra sa kanilang mga lote o may "encroachment" sa mga ROAD LOT. Mula ngayon, susundin natin at hindi tayo lalampas sa mga linya ng bawat lote rito. Para sa iilan na nag-encroach, bibigyan kayo ng LGU ng konting panahon para gawin ito ng kusakusa; makikipag-ugnayan po ang PUSO sa inyo.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at muli po, higit sa lahat, CONGRATULATIONS ISMAR! 

#PasigCity #UmaagosAngPagasa