Uniting Voices, Building Futures: 2025 PRIDE Summit Gathers LGBTQIA+ Community Towards an Inclusive Pasig

June 10, 2025



๐”๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐•๐จ๐ข๐œ๐ž๐ฌ, ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฌ: ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐„ ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ ๐†๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐‹๐†๐๐“๐๐ˆ๐€+ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐“๐จ๐ฐ๐š๐ซ๐๐ฌ ๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐๐š๐ฌ๐ข๐  

-

Matagumpay na naisagawa ang 2025 PRIDE Summit noong Hunyo 7, 2025 sa Auditorium ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP). 

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Pasig City Gender and Development Office katuwang ang Pasig City PRIDE Development Council sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo 2025. Layon ng aktibidad na buuin at isulong ang Pasig City PRIDE Development Plan. 

Dinaluhan ito ng mga kasapi at kaalyado ng LGBTQIA+ community sa lungsod, na nagkaisa upang pag-usapan ang mga adbokasiya at plano para sa mas ligtas, pantay, at inklusibong komunidad.

Tampok sa programa si EnP. Vince Liban, National Convener ng PANTAY at PRIDE PH, bilang pangunahing tagapagsalita. Ibinahagi niya ang mahahalagang kaalaman ukol sa SOGIESC (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics), Introduction to GAD Planning and Budgeting, at ang patuloy na laban para sa pantay na pagkakataon para sa lahat ng kasarian.

Nagpakita at nagbigay din ng kaniyang buong suporta sa PRIDE Summit si Konsehal Corie Raymundo, bilang pagkilala sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, karapatang pantao, at inklusibong pamahalaan para sa LGBTQIA+ community.

Ang aktibidad na ito ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod at stakeholders nito na kilalanin, igalang, at isulong ang karapatan at dignidad ng bawat isa saan mang sektor nabibilang at ano man ang kasarian.

#WEcanBeEquALL #PRIDEPH #PasigPRIDE