Top Taxpayers sa Lungsod ng Pasig para sa Taong 2025, Kinilala

May 23, 2026

Ang pagbabayad ng tamang buwis ay isang shared responsibility ng taxpayers para maka-ambag sa nation building. Hindi lamang ito financial obligation dahil ang bawat kontribusyon ay katumbas ng imprastraktura, edukasyon, serbisyong pangkalusugan na kapakipakinabang para sa lahat. Ito ang naging sentro ng mensahe ni Mr. Jonard Tajan, Head of Tax ng LG Electronics Philippines, Inc. na nagbigay ng mensahe bilang kinatawan ng mga pinarangalang top taxpayers sa Lungsod ng Pasig para sa taong 2025.

Nitong May 14, 2026, kinilala ang top business at real property taxpayers (corporate at individual categories) sa Lungsod ng Pasig para sa taong 2025 sa isang Awarding Ceremony sa Chardonnary by Astoria, sa ilalim ng temang "𝙋𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧𝙨 𝙞𝙣 𝙋𝙧𝙤𝙨𝙥𝙚𝙧𝙞𝙩𝙮: 𝙎𝙪𝙨𝙩𝙖𝙞𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙂𝙧𝙤𝙬𝙩𝙝, 𝙄𝙣𝙨𝙥𝙞𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙁𝙪𝙩𝙪𝙧𝙚."

Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang di-matatawarang kontribusyon sa lokal na ekonomiya ng Lungsod ng Pasig at patuloy na pagtitiwala sa Pamahalaang Lungsod na sinasalamin ng kanilang matapat na pagbabayad ng buwis. Ang Awarding Ceremony ay pinangasiwaan ng City Treasurer's Office.

Dinaluhan din ang nasabing pagkilala ng mga opisyal ng Lungsod ng Pasig at mga kinatawan ng iba't ibang departamento at opisina. Mula sa Pamahaalaang Lungsod ay nagbigay din ng mensahe ang mga kinatawan nito na tinalakay naman ang mga hakbang para patuloy na isulong ang ease at cost of doing business sa Lungsod ng Pasig para makalikha ng isang conducive na environment para patuloy na lumago ang mga negosyo at lumago ang lokal na ekonomiya.

Sa ating top taxpayers, at sa lahat ng taxpayers sa Lungsod ng Pasig, maraming salamat po sa inyo! Kayo ang dahilan kung bakit patuloy na #UmaagosAngPagasaSaPasig.