TINGNAN: Update Tungkol sa Rosarion Sports Complex

April 29, 2025

TINGNAN: UPDATE TUNGKOL SA ROSARIO SPORTS COMPLEX

_______

Mayor Vico Sotto: Good news! Nabili na ng Pasig LGU ang huling piraso ng lupa na may private claimant para sa Sports Complex sa Rosario (ito yung naka-highlight sa mapa; sa isang picture, makikita ang pirmahan ng Deed of Sale)

Lot size: 3,000 sq meters

Presyo: ₱23,000/sq m (zonal value lamang)

Total: ₱69M

Kung tutuusin, mababa na ito, kasi kung nagdemanda ang may-ari, puwede pa sila maningil ng legal interest at damages.

Para sa kaalaman ng lahat, DALAWA ANG NAGING PROBLEMA PARA MATAPOS ANG MAGANDA SANANG PROYEKTO:

1. Yung una ay itong sa lupa. Bawal magpagawa ang gobyerno sa PRIVATE na lupa. Ayon sa batas, kung kailangan ng gobyerno ang lupa mo, dapat bayaran ka muna ng "just compensation" ;

2. May pending na kaso ito sa Court of Appeals. May pending request din tayo sa COA para sa special audit. Dahil hindi ako naniniwala na "100% complete" na yung "phase" na naabutan ko nung 2019. 

Mukhang sinisingil tayo para sa mga bagay na hindi naman nai-deliver. Hindi tayo papayag na malugi ang taumbayan! 

–

Madaling magsabi at mangako ng kahit ano na hindi naman naiintindihan ang buong sitwasyon.

May mga namana tayong problema na hindi ganun kasimpleng ayusin lalo na't maraming kulang na dokumento/impormasyon. Pero isanama-isa naman nating naaayos ang mga problemang ito.

But we learn from the lessons of the past. These lessons have lead to massive reforms in the LGU's planning and budgeting processes; for one, we now avoid the splitting/phasing of infra projects to make it easier to be transparent and for monitoring.

Hindi man natin maayos ang lahat lahat sa libo-libong problema ng Pasig, masasabi ko siguro na at least ngayon nababawasan ang problema ng lungsod imbis na nadadagdagan pa ito. 

#PasigCity #UmaagosAngPagasa