TINGNAN: Pasig City School Board Meeting | May 16, 2025

May 17, 2025



π“πˆππ†ππ€π: 𝐏𝐚𝐬𝐒𝐠 𝐂𝐒𝐭𝐲 π’πœπ‘π¨π¨π₯ 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐒𝐧𝐠 | 𝐌𝐚𝐲 πŸπŸ”, πŸπŸŽπŸπŸ“

Nagtipon ang mga miyembro ng Pasig City School Board para sa pagpupulong na naka-schedule para sa buwan ng Mayo kahapon, May 16, 2025 sa People's Reception Hall ng Temporary Pasig City Hall.

Ang Pasig City School Board ay binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang education stakeholders sa Lungsod ng Pasig, kabilang ang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod na may kinalaman sa pagtataguyod ng edukasyon, mga kinatawan mula sa civil society organizations (CSOs) at non-government organizations (NGOs). 

Nagsisilbing Chairperson ng Pasig City School Board si Mayor Vico Sotto at Co-Chairperson naman si Department of Education - Pasig Schools Division Superintendent Sheryll Gayola. Bukod sa representasyon mula sa iba't ibang CSOs at NGOs na naka-focus sa public education system, may mga kinatawan din sa School Board ang representante ng private schools sa Pasig, at maging mula sa student body mismo sa katauhan ng Supreme Student Government ng public schools sa lungsod. 

Para sa naging pagpupulong kahapon ay tinalakay ang ilang updates tungkol sa Special Education Fund Budget Allocation at maging ang mula sa General Fund na nakalaan para sa education programs, projects, at activities sa Lungsod ng Pasig. 

Pinangasiwaan ng Pasig City Education Department  na siyang nagsisilbing Secretariat ng Pasig City School Board ang pagpupulong.