TINGNAN | Operational Briefing ng Pasig City Incident Management Team | August 8, 2026
August 9, 2026
Isang Operational Period Briefing ang isinagawa sa Incident Command Post sa RED Training Center kaugnay ng paghahanda at pagtugon ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga epekto ng Southwest Monsoon (Habagat).
Itinaas ang alert level sa Lungsod ng Pasig patungong RED Alert Status ng 08:00PM ng August 8, 2026, na siyang nagdulot din ng activation ng Incident Management Team. Ang activation na ito ay isang hakbang para masiguro ang isang coordinated na pagtugon sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa kabila ng masamang lagay ng panahon.
Tinatayang aabot sa 500 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, katuwang ang mga kinatawan mula sa ilang sangay ng nasyonal na pamahalaan sa lungsod (tulad ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police) ang kasalukuyang naka-deploy bilang parte ng IMT.
Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Emergency Operations Center: (02)8643-0000.


