This is It! Araw Na Ng Election! | May 12, 2025

May 12, 2025

π“π‡πˆπ’ πˆπ’ πˆπ“! 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐍𝐆 π„π‹π„π‚π“πˆπŽπ! | πŒπ€π˜ 𝟏𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ“

Sama sama nating iboto si....Wisely! Este, ang panawagan ng lahat ngayong 2025 National and Local Elections, π•πŽπ“π„ π–πˆπ’π„π‹π˜!

Pero para lahat tayo ay makapag-vote wisely, pre-requisite para rito ang...pagboto! 

Tama po, bumoto po tayo ngayong araw ng eleksyon! Ang pagboto ay hindi lamang isang pribilehiyo na ipinagkakaloob sa mga Pilipino bilang isang demokratikong bansa; bagkus, ito rin ay isang civic duty kung saan ang bawat isa ay may boses at responsibilidad na ihalal kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa lokal na pamahalaan at maging sa lehislatibong sangay ng nasyonal na pamahalaan. 

At hindi lang po sana basta bastang bumoto; kundi, bumoto nang naayon sa konsensiya at kung ano ang tama, tapat, at makakatulong sa bayan at sa bansa, nang pangmatagalan!

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsusulong ng isang payapa, ligtas, at tapat na #Halalan2025!

Wala na po tayong dahilan para hindi makaboto, dahil:

βœ… Ang May 12, 2025 ay idineklara bilang isang special non-working day | https://bit.ly/4j3w6q9

βœ… Number coding scheme is lifted | https://bit.ly/MMDA_SuspensionOfNumberCoding

βœ… Bukas ang ilang Day Care Centers sa Pasig para pansamantalang mapag-iwanan ng mga may edad 3-8 gulang na bata habang bumoboto ang magulang/guardian | https://bit.ly/DayCareCenters_ChildFriendlySpace_Pasig

βœ… Early Voting Hours (05:00AM - 07:00AM) para sa senior citizens, persons with disability, at buntis | https://bit.ly/VulnerableSector_EarlyVotingHours

Ano pa ang kulang? Ikaw β€”  sa iyong voting precinct, dala ang iyong "kodigo" kung sino ang iyong iboboto. Paalala, sa Lungsod ng Pasig, 22 ang mga kandidato na maaaring iboto (12 senators, 1 partylist, 1 congressperson, 1 mayor, 1 vice mayor, at 6 councilors). Ang regular voting hours ay 07:00AM - 07:00PM. 

I-check ang ilang Election Day reminders, na naglalaman ng Dos and Don'ts sa araw ng Election, sa link na ito: https://bit.ly/Election2025_DosAndDonts

Samantala, tinatawagan ang lahat na i-report ang mga masasaksihang election offenses! I-check ang link na ito para sa detalye ng pagrereport: https://bit.ly/Pasig_Report_ElectionOffenses