The Application for Pasig City Master's Scholarship Program for Public School Personnel is Now Open!

March 22, 2026

Maa-access ang application form sa link na ito: https://forms.gle/dVMhRVTjPpSMDKdQA
Makakatanggap ng kopya ng iyong isinumiteng online application sa iyong registered email address (huwag kalimutang i-check ang spam/junk folder kung wala ito sa iyong inbox).
Bukod sa pagsusumite ng requirements sa pamamagitan ng online application form, kailangan ding magpasa ng hard copy ng documentary requirements.
Maaaring mag-apply at pasa ng requirements hanggang sa 05:00PM ng March 30, 2026.
I-check ang kabuuang detalye tungkol sa programa at pag-apply sa naunang post tungkol dito.


Orihinal na post (March 12, 2026):

๐ˆ๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซโ€™๐ฌ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ง๐ž๐ฅ!
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro at kawani ng pampublikong paaralan sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan, ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ilalim ng Pasig City Education Department (PCED) ang Pasig City Masterโ€™s Scholarship for Public School Personnel.
Layunin ng programang ito na suportahan ang patuloy na propesyonal na pag-unlad ng mga public school personnel sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship para sa kanilang pagkuha ng Masterโ€™s degree sa mga kinikilalang higher education institutions ng Commission on Higher Education (CHED) sa Metro Manila.
Sa ilalim ng programang ito, maaaring makatanggap ang mga kwalipikadong iskolar ng hanggang PHP 40,000.00 na scholarship grant bawat termino, depende sa bilang ng units na kanilang kukunin.
Basahin ang materyal at alamin kung paano mag-apply para sa scholarship program na ito.
Gabay sa pagbabasa ng materyal:
Photo #2: Benepisyaryo at Kwalipikasyon para sa scholarship program
Photo #3: Listahan ng Requirements
Photo #4: Proseso ng Aplikasyon
Photo #5: Benepisyong Matatanggap sa Scholarship
Photo #6: Higher Education Institutions (HEIs)
Photo #7: Return Service Requirement
Photo #8: References para sa Scholarship Program
Photo #9: Detalye Kaugnay ng Pilot Scholarship Application Cycle
Basahin at aralin ang buong Implementing Rules and Regulations ng ordinasa mula sa link na ito: https://bit.ly/Pasig-Ordinance-14-2025-IRR_PCMSPSP
Samantala, maa-access naman ang listahan ng CHED-accredited na HEIs sa link na ito: https://bit.ly/PC_HEIs_COEsandCODs
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kontakin ang PCED-Scholarships and Awards Section (Pasig City Scholarship Office) sa kanilang Facebook Page o sa telephone number 8643-1111 local 1142. Maaari ring magpadala ng email sa scholarshipoffice@pasigcity.gov.ph o magtungo sa kanilang tanggapan sa 3/F Temporary Pasig City Hall, Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario.