The 2025 Search for the Most Gender-Responsive Barangays and Pasig City Government Offices/Departments is ON!

July 20, 2025



π“π‘πž πŸπŸŽπŸπŸ“ π’πžπšπ«πœπ‘ 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐑𝐞 𝐌𝐨𝐬𝐭 π†πžπ§ππžπ«-π‘πžπ¬π©π¨π§π¬π’π―πž 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐬𝐒𝐠 𝐂𝐒𝐭𝐲 π†π¨π―πžπ«π§π¦πžπ§π­ 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞𝐬/πƒπžπ©πšπ«π­π¦πžπ§π­π¬ 𝐒𝐬 𝐎𝐍!

Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang period ng pagsusumite ng mga entry para sa 2025 Search for the Most Gender-Responsive Barangays and Local Departments/Offices.

Layunin ng programang ito na kilalanin ang mga natatanging inisyatiba at pagsusumikap ng mga barangay at departamento o tanggapan ng Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng gender-responsive governance.

Ang programang ito ay isang performance assessment and recognition program na layong kilalanin ang mga barangay at tanggapan ng lokal na pamahalaan na matagumpay na naisasabuhay ang prinsipyo ng gender mainstreaming sa kanilang mga programa, proyekto, plano, at polisiya. 

Susuriin ang mga entry batay sa apat na pangunahing aspeto: 

1. Functionality ng GAD Focal Point System;

2. GAD-related policies, plans, programs, at budget;

3. Pagkakaroon ng strategic mechanisms; at 

4. Best practices at mga natanggap na parangal o pagkilala.

Kaya naman para sa mga barangay at opisina/departamento ng lokal na pamahalaan na interesadong lumahok at magsumite ng kanilang entry, i-check ang original post ng GAD para sa application process at documentary requirements kaugnay ng programang ito. 

Ang huling araw ng pagsusumite ay sa Agosto 29, 2025. Ang mga interesadong kalahok ay kailangang magsumite ng kanilang entry sa isang (1) consolidated PDF file sa gad@pasigcity.gov.ph, at magpasa rin ng isang (1) hard copy sa Temporary GAD Office sa Tanghalang PasigueΓ±o. 

____

Noong nakaraang taon, labing-tatlong (13) barangay at tatlong (3) lokal na tanggapan ang kinilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng GAD.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa lokalisasyon ng Magna Carta of Women, at ng pagkilala sa masigasig na pagsusumikap ng mga barangay at tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng inklusibo, patas, at makatarungang lipunan para sa lahat ng kasarian.

Para sa iba pang impormasyon at katanungan, maaaring mag-email sa gad@pasigcity.gov.ph o magtungo sa Temporay GAD Office sa Tanghalang PasigueΓ±o.

#GenderResponsivePasigCity #WEcanBeEquALL