Tatlong tulog na lang, 2nd Mega Job Fair na!
March 23, 2026
Ang paalala ng Pasig City Public Employment Service Office: sa Huwebes, March 26, 2026, na ang 2nd Mega Job Fair na gaganapin sa Level 3, Robinsons Metro East, Brgy. Dela Paz, Pasig City, mula 09:00AM hanggang 03:00PM!
Tulad ng mga nakalipas na job fair, layon ng aktibidad na ito na magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho, katuwang ang 60 local at overseas companies.
I-check ang Photo #2 para sa listahan ng mga kompanyang lalahok (as of March 23, 2026)!

Kaya ihanda ang inyong sarili para sa mga on-the-spot interview at magdala ng maraming kopya ng inyong updated resume dahil sa araw ng job fair ay maaari kayong mag-apply sa higit sa isang posisyon!
Bukod sa job fair, magkakaroon din ng First-Time Jobseekers One-Stop Shop para sa mga nais mag-avail ng libreng dokumento na magagamit sa kanilang job applications. Lalahok din ang Philippine Army at ang Bureau of Jail Management and Penology para sa kanilang recruitment activities.
Mag-pre-register para sa Job Fair sa link na ito: https://bit.ly/2ndMegaJobFair_2026_Pre-Reg o i-scan ang QR code sa material.
Para sa mga interesadong dumalo, huwag kalimutang i-check ang original post para sa iba pang detalye tungkol sa job fair, kabilang ang kumpletong listahan ng mga dokumentong kailangan dalhin sa link na ito: https://bit.ly/2ndMegaJobFair-2026