Tagisan na ng Talino sa PasigHenyo Quiz Bee: College Edition!
July 3, 2026
Para sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig 2026, muling magbabalik ang PasigHenyo Quiz Bee para subukin ang talino, husay, at kaalaman ng kabataang Pasigueño!
Anim na kinatawan mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa lungsod ang magtatagisan sa PasigHenyo Quiz Bee: College Edition bukas, July 4, 2026 sa Pasig City Museum.
Sino kaya ang magwawagi sa kompetisyon?
Tumutok simula 02:00PM sa LIVESTREAM sa official Facebook page ng Pasig City Public Information Office.
#ArawNgPasig2026