Suspendido ang Government Work simula 12:00pm alinsunod sa Memorandum Circular No. 81 | April 16, 2025
April 15, 2025
Kaugnay ng Office of the President Memorandum Circular (MC) No. 81, s. 2025, hanggang 12:00NN lamang po ang operations ng karamihan sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig bukas, April 16, 2025 (Miyerkules Santo); liban lamang sa mga opisina na in-charge sa pagbibigay ng preparedness/response sa disasters at calamities, at iba pang nakatalaga sa pagbibigay ng iba pang vital/ basic services.
Ito ay para bigyang oportunidad ang mga kawani ng pamahalaan para sa pag-obserba ng Semana Santa, lalo ang mga magbibyahe pauwi ng probinsya.
Para sa buong detalye tungkol dito, i-access ang kopya ng nasabing MC mula sa link na ito: https://www.officialgazette.gov.ph/ntwLV7