SPES OSY Alert: Application Opens on Nov. 11, 2024
November 5, 2024


SPES ALERT!
Sa darating na Lunes, November 11, 2024, bubuksang muli ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students o SPES para sa mga OUT-OF-SCHOOL YOUTH na edad 15 hanggang 30.
Mayroong 700 slots ang nakalaan para sa round ng SPES OSY na ito. Ang unang 700 applicants na makakapag-register online ay dadaan pa sa screening at evaluation.
I-check ang material para sa mga detalye.
Gabay sa material:
Material #1: Schedule ng online application at implementation period ng SPES OSY
Material #2: Qualification at requirements
Material #3: Proseso para makapag-apply sa SPES
—
Para masiguro na magiging maayos at mabilis ang proseso ng aplikasyon, DALAWANG LINK NG ONLINE APPLICATION FORM ang ipo-post sa nasabing petsa.
PAALALA: Magkaiba ang link na kailangang sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng DISTRICT 1 at DISTRICT 2.
Para mapunan ang 700 slots, unang 300 qualified applicants para sa DISTRICT 1 at unang 400 qualified applicants naman para sa DISTRICT 2 ang tatanggapin ng Pasig City Public Employment Service Office.
Kaya kung interesadong mag-apply sa SPES OSY, ihanda na inyong requirements at tingnan maigi ang online application form link na inyong sasagutan.