SPES ISY 2026 Batches 2 and 3
March 5, 2026
ππππ ππ πππ ππππππ-ππππππππ ππ πππ πππ-πππππ ππ ππππ ππππππ ππππππππππππ ππ ππππ ππ πππππππ ππ πππππ!
Sa March 12, 2026 (Huwebes), bubuksan ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students o SPES para sa mga IN-SCHOOL YOUTH (ISY) na edad 15 hanggang 29.
Para sa round na ito ng SPES, dalawang batch ng SPES ISY (Batch 2 at Batch 3) ang mabubuo mula sa kabuuang 1,200 slots na bubuksan ng Pasig City Public Employment Service Office.
Sa 1,200 slots na ito, 450 ang nakalaan para sa District 1 at 750 naman para sa District 2. Mahalagang tandaan na ang bilang na ito ay hindi para sa iisang batch lamang, kundi hahatiin sa dalawang batch.
Gaya ng mga nakaraang aplikasyon, ang lahat ng aplikanteng makakapag-register online ay daraan pa rin sa screening at evaluation process.
Abangan ang ONLINE APPLICATION FORM LINKS na ipo-post dito sa Pasig City Public Information Office Facebook Page simula 01:00PM hanggang 03:00PM.
Gabay sa material:
Photo #1: Schedule ng online application at implementation period ng SPES ISY
Photo #2: Qualification at requirements
Photo #3: Proseso para makapag-apply sa SPES ISY


β
Magkaiba ang application form link na kailangang sagutan ng mga aplikante mula sa District 1 at District 2, kaya tiyaking tama ang link na sasagutan.
Kaya naman simulan na ninyong ayusin ang inyong mga requirement at abangan ang pagbubukas ng aplikasyon sa March 12, 2026!