SPES ISY 2025 Application Reminder

April 3, 2025


Isang tulog na lang, online application na para sa Special Program for Employment of Students – In-School Youth (SPES-ISY)!
Kung interesadong mapabilang sa 800 SPES-ISY interns, may chance pa para makapag-ayos ng requirements dahil bukas, April 4, 2025, sa ganap na 01:00PM pa ipo-post dito sa Pasig City Public Information Office Facebook Page ang link para sa online application form ng SPES-ISY. Ang mga aplikasyon ay tatanggapin simula 01:00PM hanggang 03:00PM lamang.
Para sa mga nais mag-apply, i-check ang naunang post sa pamamagitan ng link na ito kung saan nakasaad ang kwalipikasyon, listahan ng requirements, at proseso ng aplikasyon para sa SPES-ISY: https://bit.ly/SPES-ISY-2025_POST
Magkaiba ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng DISTRICT 1 at DISTRICT 2. Kaya naman sa mga balak mag-apply sa SPES-ISY, siguraduhin na tama ang link na inyong sasagutan.
Sa round ng SPES-ISY na ito, made-deploy ang mga makakapasa sa assessment sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa loob ng 20 na araw para magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa lokal na pamahalaan nang may karampatang kita.