Southwest Monsoon (Habagat) | Weather Update as of 11 pm of August 8, 2026
August 8, 2026

Nakataas pa rin ang RED Heavy Rainfall Warning sa Metro Manila ayon sa Heavy Rainfall Warning No. 30 na ini-release ng PAGASA-National Capital Region PRSD ngayong 11:00PM.
Nananatili ring nasa FIRST ALARM kaugnay ng 15.51m water level ng Marikina River.
Pinapaalalahanan ang lahat na patuloy na mag-monitor ng lagay ng panahon.
Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Emergency Hotline (02) 8643-0000.