Soft Launch ng CLIMA System: Online Application ng COC, LC, at ZC Available na sa Pasig!

April 4, 2025

Heads up sa mga magpaparehistro ng negosyo o magsimula ng construction sa Lungsod ng Pasig!

Maaari nang i-apply online ang Certificate of Conformance (COC), Locational Clearance (LC), at Zoning Certificate (ZC) sa pamamagitan ng CLIMA o ang City-Wide Land Information Management and Automation System!

Ma-access ang CLIMA System sa link na ito: https://clima.pasigcity.gov.ph/clima/  o di kaya ay i-scan ang QR code sa material.

Sa soft launch ng online application sa ilalim ng CLIMA System, patuloy na iniimprove pa ito para mas mapabuti ang magiging karanasan ng mga gagamit nito. 

Sa kalasukuyan, makakapag-file ng online application para sa bagong COC, LC, at ZO at makakapag-upload din ng requirements kaugnay nito. 

Sa tulong ng online system, makakapag-initial assessment/ evaluation na rin ang City Planning and Development Office ng mga application at requirements na nai-upload sa CLIMA site.

Mababawasan din ang kailangang pagpunta sa City Hall o sa Annexes nito dahil maaaring i-monitor ang status ng application gamit ang CLIMA System, at malalaman din dito kung kailan maaaring dalhin ang hard copy ng requirements (para sa pag-verify ng mga ito) at bayaran ang necessary fees para mai-release ang dokumento (COC, LC, o ZC).