Selebrasyon ng Araw ng Pasig 2025, Sisimulan Na!

June 22, 2025

Bubuksan natin ang selebrasyon ng Araw ng Pasig para sa taong ito sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kaarawan ng isang katangi-tanging Pasigueño sa katauhan ni Former Senator Jovito Salonga.
Samahan ninyo kami sa paggunita ng kanyang naging buhay at pag-alala sa kanyang mga naging kontribusyon, di lamang sa ating lungsod kundi maging sa ating bansa.
Ila-live rito sa Pasig City Public Information Office ang selebrasyon ng ika-105 anibersaryo ng kapanganakan ni Former Senator Jovito Salonga ngayong umaga, na pangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.