SEERMO | Paraan ng Pagsusumite ng Report

June 6, 2026

π’π„π„π‘πŒπŽ | 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 ππ€π†π’π”π’π”πŒπˆπ“π„ 𝐍𝐆 π‘π„ππŽπ‘π“

Mga PasigueΓ±o, nai-download niyo na ba ang Seermo application sa inyong Android o Apple mobile phones? Kung oo, pwedeng pwede niyo na itong gamitin para magsumite ng reports tungkol sa mga nangyayari sa kalsada o estado ng mga imprastrakturang pang-transportasyon na inyong nakikita sa Lungsod ng Pasig! 

π—šπ—”π—ͺπ—œπ—‘ π—Ÿπ—”π— π—”π—‘π—š π—”π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗦𝗨𝗑𝗒𝗗:

1. I-click ang β€œAdd Data” tab. 

2. I-click ang β€œ+” na icon. 

3. Pumili ng kategorya: road crash incident, public transport context, traffic violation, infrastructure and environment

4. I-upload ang larawan na kuha mula sa lugar na pinangyarihan ng insidente o kung saan nakita ang imprastraktura na nais i-report. 

5. Ilagay ang saktong petsa at oras ng inyong obserbasyon. 

6. I-pin ang eksaktong lokasyon kung saan nakita ang insidente o imprastraktura sa map. 

7. Pumili ng Report Type. (Maaaring hingan ng iba pang detalye kung ang iyong report ay tungkol sa banggaan ng transport vehicles.) 

8. Isalaysay ang concern at magbigay ng feedback. 

9. I-click ang β€œSubmit report”.

Maaaring mag-report anumang oras at kahit saan man sa Pasig, basta’t may internet connection ang inyong mobile phones. 

Mahalagang makibahagi sa inisyatibang ito dahil ang bawat report ay makakatulong sa pagpapabuti ng transportation, traffic management, at urban mobility sa Lungsod ng Pasig. Kaya, gamitin na ang Seermo app ngayon! 

Para sa mga hindi pa nakapag-download ng app, balikan at basahin ang post na ito: https://www.facebook.com/share/1KQRkaY5BB/?mibextid=wwXIf 

___

Para sa kaligtasan, pinapaalalahanan na magsumite ng report kapag nasa ligtas na lugar at maaaring gamitin ang mobile phones nang hindi naaabala ang paglalakad, pagmamaneho, o iba pang aktibidad.