Screen Time Reminders mula sa City Health Department - Health Education and Promotion Office ngayong National Children's Month

November 25, 2025


Nakaangkla sa tema ng 33rd National Children’s Month ang paalala ng City Health Department – Pasig City Health Promotion (Pasig City HEPO) tungkol sa kahalagahan ng tamang screen time para sa mga bata.

Paalala nila na mahalagang bantayan at limitahan ang oras ng paggamit ng gadgets upang matiyak ang tamang paglaki at mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata.

Kaya naman, para sa lahat ng mga mommy, daddy, at guardian, tignan ang post mula sa Pasig City HEPO upang malaman ang ilan sa kanilang mga rekomendasyon. Hikayatin din ang mga chikiting na maglaan ng oras sa mga aktibidad na hindi gumagamit ng screen upang maging mas balanse ang kanilang araw-araw.


---

Ngayong buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang natin ang ika-33rd National Children's Month na may temang "Online Sexual Abuse or Exploitation Materials: Wakasan, Karapatan ng Bata Ipaglaban."

Layunin nito na bigyan ptoteksyon  ang mga bata laban sa online exploitation.

Kaugnay nito, marito ang ilang paalala tungkol sa tamang screentime o oras ng panonood ng media para sa mga bata.