Schedule ng Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod Pasig para sa Buwan ng Hunyo 2026
June 2, 2026
๐๐ฏ๐ผ๐-๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป, ๐ฑ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ต๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ!
Inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang KADIWA ng Pangulo, kung saan maaaring makabili ng sariwa at de-kalidad na mga produkto sa mas murang halaga.
Layunin ng programang ito na makatulong sa mga mamimili habang binibigyan din ng mas magandang oportunidad na makapagbenta ang mga magsasaka, mangingisda, at lokal na prodyuser.
Kaya i-check ang schedule ng KADIWA ng Pangulo para sa buwan ng Hunyo mula sa orihinal na post ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office at markahan ang mga petsa na maaari ninyong puntahan kung ito ay malapit lamang sa inyong komunidad!
Sa bawat pagbili sa KADIWA ng Pangulo, hindi lamang tayo nakakatipid; nakatutulong din tayo sa pagpapalago ng lokal na kabuhayan at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan! See less