SAVE THE DATE | GIP OSY 2nd Sem 2026 (May 14, 2026)

May 8, 2026



πŒπ€π†πˆππ† π‹πˆππ†πŠπŽπƒ-ππ€π˜π€π! π€πππ‹π˜ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“ πˆππ“π„π‘ππ’π‡πˆπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ! 

Para sa ikalawang semestre ng taong 2026, bubuksan sa May 14, 2026, Huwebes, ang aplikasyon para sa Government Internship Program o GIP. Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga out-of-school youth (OSY) na may edad 18-29 years old na maranasang maging lingkod-bayan sa pamamagitan ng pagiging interns ng lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng programang ito, maaaring mag-apply ang mga OSY na kasalukuyang hindi enrolled o hindi nag-aaral, at hindi rin mag-aaral sa darating na school year.

Kaya naman abangan ang ONLINE APPLICATION FORM LINKS sa May 14, 2026, na ipo-post sa official Facebook Page ng Pasig City Public Information Office. Bubuksan lamang ang mga link simula 01:00PM hanggang 03:00PM kaya siguraduhing nakahanda ang soft copy ng inyong requirements.

Gabay sa pagbabasa ng material:

Photo 1: Schedule ng online application at implementation period ng GIP

Photo 2: Qualifications at requirements 

Photo 3: Proseso para makapag-apply sa GIP

PAALALA: Gaya ng mga nakalipas na aplikasyon, magkaiba ang link na sasagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng District 1 at District 2. Siguraduhing tama ang application link na inyong sasagutan.

– 

Sa batch na ito ng GIP,  300 slots ang bubuksan para sa mga aplikante mula sa District 1 at District 2. Tatanggapin ng Public Employment Service Office ang unang 120 qualified applicants mula sa District 1 at unang 180 qualified applicants mula sa District 2. 

Ang mga matatanggap na intern ay inaasahang handang pumasok sa trabaho simula June 15, 2026 hanggang December 31, 2026. 

Alinsunod sa Executive Order No. PCG-22, s. 2026, ipatutupad sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang temporary four-day compressed workweek hanggang June 30, 2026. Dahil dito, ang mga intern na maa-assign sa mga opisina ng lokal na pamahalaan na saklaw ng implementasyong ito ay kinakailangang pumasok sa Temporary Pasig City Hall o sa iba pang lokasyon ng mga tanggapan mula Lunes hanggang Huwebes, 07:00AM - 06:00PM, simula June 15-30, 2026. Pagkatapos ng nasabing petsa, ang lahat ay babalik sa Modified Working Schedule na Lunes hanggang Biyernes, 07:00AM - 04:00PM o 08:00AM - 05:00PM.

Gayunpaman, ang oras ng pagpasok ay maaari pa rin magbago depende sa prevailing work arrangement na ipatutupad sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa loob ng implementation period. 

–

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Ihanda na ang inyong requirements at abangan ang online application form links sa May 14, 2026!