SAVE THE DATE | GIP OSY 2025 (November 11, 2025)

November 7, 2025



𝐆𝐈𝐏 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓!!!

Sa darating na Martes, November 11, 2025, muling magbubukas ang aplikasyon para sa mga out-of-school youth (OSY) na nais makapasok sa Government Internship Program o GIP sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig! 

Kaya naman para sa mga 18-30 years old at kasalukuyang hindi enrolled o hindi nag-aaral, ito na ang hinihintay ninyong pagkakataon para makapag-apply bilang GIP sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig! 

Para sa batch ng GIP na ito, 400 slots para sa mga OSY ang bubuksan! Ipo-post dito sa Pasig City Public Information Office Facebook Page ang ONLINE APPLICATION FORM LINKS sa darating na Martes, November 11, 2025, simula 01:00PM hanggang 03:00PM. 

Gabay sa pagbabasa ng material:

Photo 1: Schedule ng online application at implementation period ng GIP

Photo 2: Qualifications at requirements 

Photo 3: Proseso para makapag-apply sa GIP

PAALALA: Magkaiba po ang link na dapat sagutan ng mga aplikante mula sa mga barangay ng District 1 at District 2. Kaya siguraduhin na tamang application link ang inyong sasagutan! 

Para punan ang 400 slots, unang 200 qualified applicants para sa District 1 at unang 200 qualified applicants naman para sa District 2 ang tatanggapin ng PESO. Kaya para sa mga interesadong mag-apply, ihanda na inyong requirements at abangang ang online application form link sa darating na Martes!