Sa Pasig, Pantay-Pantay ang Lahat ng Kulay
June 28, 2025
Bukas na ang grand celebration sa Lungsod ng Pasig para sa Pride Month 2025!
Isang makulay at bonggang selebrasyon na pinamagatang PROUD FAIREVER ang gaganapin sa Rizal High School Oval, simula 04:00PM hanggang 10:00PM!
Bukod pa rito, kaabang-abang din ang fashion shows, drag performances, at band performances na tiyak na magbibigay kulay at saya sa aktibidad na ito!
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Ayain na ang buong tropa, ilabas ang rainbow flags, irampa ang mga pangmalakasang OOTD, at makiisa bukas para sa PROUD FAIREVER!
I-check ang material na ito mula sa Pasig Pride Council para sa ilan sa performers na magtatanghal sa Proud Fairever: https://tinyurl.com/PasigPrideDivineDivas
—
Ang PROUD FAIREVER ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, katuwang ang Pasig City PRIDE Development Council, para sa mga Pasigueño. Ito ay culmination ng pagdiriwang ng Pride Month at kabilang din sa selebrasyon ng Araw ng Pasig 2025.