Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa!

March 6, 2026

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso!
Sa ilalim ng temang โ€œSa Pag-iwas ng Sunog, Hindi Ka Nag-iisa,โ€ magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng ibaโ€™t ibang aktibidad na naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa fire prevention at tamang pagtugon sa mga insidente ng sunog.
Sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), katuwang ang iba pang tanggapan ng lokal at nasyunal na pamahalaan, nakatakdang isagawa ang mga sumusunod na aktibidad:
๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† | ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—–๐—”๐——๐—˜
Lalahukan ito ng mga fire truck mula sa ibaโ€™t ibang ahensya, barangay, at organisasyon sa Lungsod ng Pasig. Abangan ang kaakibat na Traffic Advisory para sa aktibidad na ipo-post dito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office.
๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—ต๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜† | ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ
Pagbibigay ng kaalaman at ilang paalala tungkol sa mga paraan upang maiwasan ang sunog at kung paano dapat tumugon sa mga ganitong uri ng insidente.
๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿต-๐Ÿฏ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—˜ ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜๐—ง๐—ฌ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐—— ๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ช ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—– ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ
Isasagawa sa piling araw mula March 9-31, 2026, kung saan ipapakita sa publiko ang mga kagamitan at kakayahan ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa ibaโ€™t ibang emergency situation gaya ng sunog.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa mga aktibidad sa Facebook Page ng Pasig City DRRMO.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na higit pang palakasin ang kamalayan at kahandaan ng komunidad laban sa panganib ng sunog. Hinihikayat ang bawat Pasigueรฑo na makiisa sa pagsusulong ng kaligtasan sa ating mga tahanan, paaralan, at komunidad.