Real-Time Reporting ng Kalagayan ng Transport Systems sa Lungsod ng Pasig, Posible na Gamit ang SEERMO!

May 26, 2026

Isa ka ba sa mga nakakaranas ng mga suliranin sa transportasyon habang papunta sa trabaho, eskwelahan, o sa palengke?
Magandang balita! Pwede nang i-report ang inyong mga nakikita sa kalsada sa pamamagitan ng Seermo!
Ang Seermo ay isang mobile application na maaaring gamitin ng publiko para real-time na makapag-report ng traffic violations at road crash incidents. Magagamit din ito para agarang makapagpadala ang mga commuter o concerned citizens ng impormasyon ukol sa kalagayan ng mga imprastrakturang pang-transportasyon.
Paano nga ba makakatulong ang Seermo sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at sa mga Pasigueño, pati na rin sa mga dumaraan sa ating lungsod?
Sa tulong ng datos mula sa app, mas mapapabuti ang mga sumusunod:
- Pagpaplano ng pagsasaayos ng kalsada, sidewalk, at bike lanes sa Pasig;
-Pagsasaayos ng traffic flow para sa kaligtasan lahat, lalo na ng mga pedestrian; at
-Pagsusuri ng kondisyon ng mga kalsada upang matukoy ang mga kinakailangang aksyunan at ayusin.
Maaaring gamitin ang Seermo ng lahat ng mamamayan – hindi lamang ng mga Pasigueño! Kapag mas marami ang gumagamit nito, mas magiging accurate ang mga datos na makokolekta ng lokal na pamahalaan, at mas magiging epektibo ang mga paglalatag ng mga programa at proyekto kaugnay ng transportasyon at mobilidad sa ating lungsod.
Available na ang Seermo App sa Google Playstore (para sa Android devices) at Apple Store (para sa IOS devices)!
I-click lamang ang mga link para ma-download ang app:
Makibahagi para sa mas ligtas, maayos, at inklusibong sistema ng transportasyon sa Pasig!
Ang paglunsad ng Seermo, na pagmamay-ari ng Mobility Vision Plus, sa Lungsod ng Pasig ay bahagi ng proyektong "Citizen-Centric Traffic and Infrastructure Monitoring System for Long-Term, Sustainable Urban Mobility and City Planning in Pasig City" ng City Transportation Development and Management Office (Pasig Transport), na napili bilang isa sa 25 benepisyaryo ng 2023 National Economic and Development Authority Innovation Grants.