PLP Licensure Exam Passers, Kinilala sa Recognition Ceremony
January 14, 2026
















๐๐ข๐๐๐ง๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ฑ๐๐ฆ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐๐ซ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ , ๐๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ
Kinilala ang Licensure Examination Passers ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) sa isang recognition ceremony na pinamagatang ๐๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐ค๐ฃ๐๐๐ก ๐พ๐๐ง๐๐ข๐ค๐ฃ๐ฎ ๐๐ค๐ง ๐๐๐ ๐ฝ๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐จ๐จ๐๐ง๐จ ngayong araw, January 14, 2026 na ginanap sa Auditorium ng PLP.
Umabot sa halos 250 board passers na kumuha ng Licensure Examination for Professional Teachers, Philippine Nurse Licensure Examination, Certified Public Accountant Licensure Examination, at Electronics Engineers and Electronics Technicians Licensure Examination ang binigyang pagkilala sa nasabing seremonya.
Bilang parte ng programa, nagbigay ng testimonial messages sina Micheriel Campo, CPA; Threxy Lyca Anne Isuga, LPT; Darius Baraga, ECT, ECE; at Brianne Jane Nacionales, RN na nagsilbing kinatawan ng board passers mula sa iba't-ibang licensure examinations. Nakatanggap ng sertipiko ang board passers bilang parte ng Testimonal Ceremony.
Dinaluhan ito nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at 12th Sangguniang Panlungsod Committee on Education Chairperson Councilor Simon Tantoco na nagpaabot ng pagbati sa board passers at magulang ng mga ito, kasama sina Councilor Ryan Enriquez at SK Federation President Keil Custillas.
Naging sentro sa mensahe ng mga opisyal ang pagiging proud ng mga ito sa board passers at hiling sa mga ito na ๐ข๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐ง๐๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐๐ช๐ฎ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐ญ๐๐๐ก๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ค ๐ ๐๐๐ช๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ.
Nagpasalamat si Mayor Vico Sotto sa board passers sa pagsisilbing inspirasyon ng mga ito para sa mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod. Ibinahagi niya na kapag nakakakita ng mga kwento ng tagumpay katulad ng sa board passers, ay nakakaengganyo at mas ginaganahan ang opisyal at kawani na galingan pa sa trabaho. Aniya, sulit ang investment ng lokal na pamahalaan, ng Inang Pamantasan, at ng taxpayers ng Lungsod ng Pasig sa buhay ng board passers.
Ang mensahe naman ni Vice Mayor Dodot Jaworski sa board passers: "Don't stop here. You can even go higher." bilang pagtukoy para magpursige ang mga ito na magkaroon ng post-graduate degrees. Pinaalala din ng Bise Alkalde sa mga ito na huwag kalimutan ang Inang Pamantasan at maalala na magbalik sa bayan o sa lungsod, sa pamamagitan ng pagiging mabuting Pilipino.
Samantala, ibinahagi naman ni Congressman Roman Romulo na lubos niyang nauunawaan ang pressure na naranasan ng board passers kaya aniya, pinatunayan ng mga ito na karapatdapat ang mga ito na maging mga propesyunal, at na ito ay ipinagkaloob, hindi ng PLP, hindi ng Lungsod ng Pasig, kundi ng Republika ng Pilipinas.
Nagbigay naman ng update si 12th Sangguniang Panlungsod Committee on Education Chairperson tungkol sa panukalang ordinansa para makapagbigay ng incentives para sa top notchers, na tinalakay sa kauna-unahang Committee on Education Hearing para sa taong 2026. Bagamat mayroon na itong resolusyon, itataguyod na maipasa ito bilang ordinansa para maisulong ang institusyonalisasyon nito. Sa kanyang pagtatapos, pinaalalahanan niya ang board passers na "Kahit saan dalhin ng buhay, ng mundo, dalhin [ng mga ito] ang talento nang may dangal."
I-check ang post ni Mayor Vico Sotto kaugnay ang testimonial ceremony sa link na ito para sa iba pang detalye: https://www.facebook.com/share/p/18324zpZWY/
Congratulations sa board passers at sa mga pamilya ng mga ito! Congratulations din sa ating Inang Pamantasan!
#UmaagosAngPagasa