Pilot Rollout ng Financial Assistance para sa Indigent Bedridden Pasigueños

February 4, 2026

Kaugnay ng inilunsad na bagong programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pagkakaloob ng Financial Assistance para sa mga indigent bedridden na Pasigueño noong December 2025, inobserbahan ni Mayor Vico Sotto ang kasalukuyang implementasyon ng paunang rollout ng house-to-house distribution ng nasabing financial assistance kahapon, February 3, 2026.
Sa ilalim ng nasabing programa, makakatanggap ang mga indigent bedridden na Pasigueño ng PHP6,000 financial assistance kada taon. Sa kasalukuyan ay house-of-house ang mode of distribution nito upang direktang maipaabot ang assistance sa mga benepisyaryo, ngunit sa kalaunan ay gagawin din itong via ATM para mas mapadali ang distribution.
Ang pagkakaloob ng Financial Assistance na ito ay alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 74, s. 2024 o ang Persons with Disability Welfare Code ng Lungsod ng Pasig.
I-check ang naunang post ng Pasig City PDAO tungkol sa nasabing programa mula sa post na ito: https://www.facebook.com/share/p/1CaFVXQ21e/