PCGH (Department of Obstetrics and Gynecology) Advisory | Scheduled Cleaning and Infection Control Procedures on December 12-14, 2025
December 11, 2025
Ipinapabatid po sa publiko na isasailalim sa nakatakdang paglilinis at infection control procedures ang Obstetrics (OB) IE Room at OB Labor Room-Delivery Room Complex ng Pasig City General Hospital (PCGH).
Kaugnay nito, pansamantalang lilimitahan ang operasyon sa mga nabanggit na pasilidad simula bukas, December 12, 2025 (Biyernes), sa ganap na 12:01AM, hanggang sa December 14, 2025 (Linggo), sa ganap na 11:59PM.
Habang ipinapatupad ito, tanging imminent deliveries o mga pasyenteng nalalapit nang manganak at critical cases lamang ang maaaring tanggapin sa mga nasabing pasilidad.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa panuntunan ng Infection Prevention and Control Unit
ng PCGH upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.
Samantala, muling babalik sa normal na operasyon ang mga nasabing pasilidad sa December 15, 2025 (Lunes), sa ganap na 12:00MN.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.