PASKOTITAP FLOAT PARADE 2024: Route Map and Guest Performers
December 14, 2024
Pasigueños!
Mamaya na ang pinakahihintay na Paskotitap 2024: Float Parade x Concert!
Sama-sama nating tunghayan ang makukulay at kumukutikutitap na floats tampok ang entry ng mga barangay ng ating lungsod.
Magsisimula ang parada mula sa Eastbank Road, Brgy. Sta. Lucia ganap na 05:00PM patungo sa Pasig City Hall Quadrangle sa Caruncho Ave, Brgy. San Nicolas kung saan naman gaganapin ang program.
At syempre, di mamatapos ang gabi na hindi natin mapapanuod ang performances nila DILAW, KIYO, ALLISON SHORE, JELAI ANDRES, BUBOY VILLAR, at FLOW M, kasama ang mga komedyanteng host na sina BOOBAY at PEPITA.
#TeamLive ka man o #TeamFacebookLive (aka #TeamBahay), sagot namin kayo!
Kita kits!
I-check ang Traffic Advisory ng Paskotitap 2024 sa link na ito: https://bit.ly/Paskotitap2024_TrafficAdvisory