#PasigHanda para sa 2025 National and Local Elections

May 7, 2025

Nagpulong muli ang iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama ang Election Officers mula sa Commission on Elections (COMELEC) Districts 1 at 2, at iba pang mula sa national government agencies tulad ng Philippine National Police (PNP)-Pasig at Bureau of Fire Protection (BFP) patungkol sa preparations sa papalapit na 2025 National and Local Elections sa May 12.
Tinalakay sa meeting ang updates tungkol sa activities pa na magaganap bago ang May 12 at mismong araw ng election na inireport ng Election Officers na sina Atty. Felton Sadang at Atty. Ronald Santiago mula sa COMELEC Districts 1 at 2, at Pasig City Treasurer Marita Calaje. Nagkaroon din ng presentation ng Deployment Plan mula sa Peace and Order Department, PNP, BFP, at Disaster Risk Reduction and Management Office.
Para masiguro ang maayos na response coordination para sa May 12, ia-activate ang Incident Management Team (IMT) sa Lunes.
Ang IMT ay binubuo ng iba't-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, maging partners mula sa national government agencies, at private sector (halimbawa, Meralco).
Para sa emergencies sa Lungsod ng Pasig, maaaring tumawag sa 8643 0000.