#PasigHanda: 176 Children Served in Pasig City Child-Friendly Spaces (as of 12:00PM, May 12, 2025)

May 12, 2025

As of 12:00NN, nasa 176 na ang 3-8 years old na mga bata ang naalagaan ng ating Child Development Workers sa 30 Child Development Centers (CDCs) sa Lungsod ng Pasig para magbigay daan sa pagboto ng kanilang mga magulang o guardian.
Hanggang 07:00PM pa tatanggap ng mga bata (3-8 years old) ang ating CDCs! Samantalahin na ito para makaboto!
I-check ang material na ito para sa kumpletong listahan ng CDCs na bukas ngayong araw ng election: https://bit.ly/DayCareCenters_ChildFriendlySpace_Pasig
PAALALA: Upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng inyong anak habang nasa CDC, mangyaring magdala ng:
• Inumin o tubig
• Kaunting pagkain tulad ng biskwit
• Diapers (kung kinakailangan)
• Extrang damit
Tara na Pasigueños at makilahok sa makasaysayang araw na ito!