Pasig, Wagi sa Gawad Taga Ilog 5.0: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila
June 24, 2025







Kinilala ng Department of Environment and Natural Resources ang Lungsod ng Pasig sa GTI (Gawad Taga-Ilog) 5.0 Awarding Ceremony ngayong araw, June 24, 2025, bilang Champion in Habitat and Resource Management at 1st Runner Up sa Gawad Taga-Ilog 5.0: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila.
Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa City Environment and Natural Resources Office, ang focal office para sa nasabing inisyatibo, ang pagtanggap ng nasabing pagkilala, kasama ang kinatawan din mula sa City Parks at mga Punong Barangay mula sa San Joaquin at Buting.
Ang Gawad Taga-Ilog 5.0: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila ay isang pangunahing inisyatibo na sumusuporta sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program.
Matatandaang naparangalan din ang Lungsod ng Pasig sa GTI 4.0 noong 2024 at GTI 3.0 noong 2023.