PASIG HANDA 2026 | Sa Pag-Iwas Sa Sunog, Hindi Ka Nag-Iisa

April 2, 2026

Bilang patuloy na hakbang sa pagsusulong ng kaligtasan ng bawat Pasigueรฑo, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Disaster Risk Reduction and Management Office (Pasig City DRRMO) nito ng back-to-back activities bilang bahagi ng selebrasyon ng Fire Prevention Month noong buwan ng Marso. Layunin ng mga programa na palakasin ang kaalaman, kahandaan, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pag-iwas at pagtugon sa sunog.
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐——๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ
Noong March 26, 2026 (Huwebes), ginanap ang ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police โ€“ Pasig, Barangay Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Councils, fire brigade at volunteers, School DRRM Coordinators, at ibaโ€™t ibang tanggapan mula sa Pasig City Hall.
Katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) โ€“ Pasig at Meralco, tinalakay ang mga sumusunod na paksa para sa kaligtasan ng bawat tahanan at komunidad sa lungsod:
Electrical Safety Seminar: ipinaliwanag kung paano makakaiwas sa aksidente at sunog sanhi ng faulty wirings, overloaded circuits, at maling paggamit ng appliances.
Household Hazardous Materials Seminar: nagbigay ng gabay sa tamang paghawak, pag-iimbak, at pagtatapon ng mga kemikal at gamit sa bahay na posibleng magdulot ng panganib.
Fire Safety Seminar: nagkaroon ng pagbabahagi ng kaalaman sa tamang hakbang sa pag-iwas sa sunog at ligtas na pagtugon sa oras ng emergency.
Sa pamamagitan ng mga ito, naibahagi sa mga kalahok ang kahalagahan ng prevention, preparedness, at quick response sa panahon ng sakuna gaya ng sunog.
๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก, ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—— ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—ข๐—š
Samantala, isinagawa naman noong Sabado, March 28, 2026, ang kampanya ng ๐—›๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป, ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ด sa Barangay Palatiw. Kasama ang DRRMO at BFP-Pasig, lumahok ang mga opisyal at mamamayan ng Barangay Palatiw sa isang โ€œWalk for a Causeโ€ na ginanap mula sa Palatiw Barangay Hall patungong Villa Evangelista. Layunin ng aktibidad na ito ay ipalaganap ang kahalagahan ng Fire Prevention Month, at kasabay nito, suportahan ang panawagan ng Office of the President para sa energy conservation. Sa ganitong paraan, naipapakita na puwede nating i-advocate ang kaligtasan sa sunog habang responsable sa paggamit ng enerhiya.
Pagdating sa Villa Evangelista, nagkaroon ng hands-on demonstrations kung saan natutunan ng mga residente ang wastong paggamit ng fire extinguisher, tamang paraan sa pagresponde sa kitchen fire, at ang kahalagahan ng โ€œtimba brigadeโ€ sa agarang pagtugon sa sunog bago dumating ang mga responder.


a-
โ€“
Ang mga aktibidad na ito ay patunay na prayoridad ng Lungsod ng Pasig ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman at pagtutulungan ng komunidad, mas nagiging handa ang bawat isa sa anumang uri ng sakuna, gaya ng sunog.