Pasig City Symphonic Band, Ipagdidiriwang ang 24th Anniversary Concert sa darating na September 3, 2025

September 2, 2025

𝐒𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐬𝐚 𝟐𝟒𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐫𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐲𝐦𝐩𝐡𝐨𝐧𝐢𝐜 𝐁𝐚𝐧𝐝!

Para sa pagdiriwang ng ika-24 na anibersaryo ng kanilang pagkakatatag, magdaraos ang Pasig City Symphonic Band ng dalawang concerts —— isa sa District 1 at isa sa District 2!

Para sa mga taga-District 2, kita kits tayo bukas, Miyerkules, September 3, 2025, sa Phase 2 Court ng Marietta Romeo Village, sa Barangay Sta. Lucia.

Samantala, ang concert naman sa District 1 ay gaganapin sa Barangay Hall Multipurpose Building ng Barangay Ugong sa Huwebes, September 4, 2025.

Huwag palampasin ito dahil bukod sa performance ng Pasig City Symphonic Band, tampok din ang special performance ng banda kasama sina Councilor Maro Martires at Councilor Pao Santiago!

Sa Barangay Sta Lucia o Barangay Ugong man kayo manunuod — kita kits ng 05:00PM!

Para sa mga hindi makakapanuod sa mismong venues, huwag mag-alala dahil may Facebook Live ito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office at Pasig City Symphonic Band.

#PCSB@24