Pasig City Mega Job Fair 2025: Bukas na ang Oportunidad para sa mga Jobseekers!

March 21, 2025

Kita kits mamaya, 09:30AM - 03:00PM sa Doñ Juana Covered Court sa Barangay Rosario para sa unang Mega Job Fair ngayong 2025!

Nasa 30 local companies at 5 overseas manpower agencies ang lalahok sa job fair na ito para magbigay ng oportunidad sa mga Pasigueño na naghahanap ng trabaho. 

Mag-print na rin ng maraming kopya ng inyong resume at ihanda na ang inyong mga sarili para sa mga on-the-spot interview dahil ito na ang pagkakataon ninyo na magkaroon ng trabaho! 

Para sa mga gustong lumahok sa job fair, mag PRE-REGISTER gamit ang link ito: https://forms.gle/yto85gwJhAmaz4x6A 

Makkita ang job vacancies na  maaaring applyan sa job fair sa link na ito: https://www.facebook.com/PasigCityPESO/posts/590836253959609 

Bukod sa job fair, magkakaroon din ng ONE-STOP SHOP para sa mga first-time jobseeker na nais mag-avail ng LIBRENG pagkuha ng police clearance o kaya naman ay magparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS. Magdal lamang ng mga sumusunod: (1) Barangay Certification (RA 11261); (2) Oath of Undertaking mula sa Barangay na ang aplikante ay first-time jobseeker ; (3) anumang valid government and/or school ID (dalhin ang original at photocopy ng ID); at (4) sariling ballpen. 

Bukas din ang one-stop shop para sa lahat ng aplikanteng nais isangguni ang kanilang mga concern sa mga national agency tulad ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magbibigay ng gabay at suporta sa mga jobseeker sa pamamagitan ng kanilang mga inquiry desk.

Present din ang Pasig City Skills Development Office (PSCDO) sa araw na ito! Sa pangunguna ng PCSDO-Pasig City Institute of Science and Technology, isang TESDA-accredited training center sa ilalim ng lokal na pamahalaan, ay magkakaloob ng training sa mga Pasigueño na nagnanais makakuha ng National Certification. 

Job Fair x One-Stop Shop para sa First-Time Job Seekers x One-Stop Shop para sa employment concerns x Training mula sa Pasig City Skills Development Office. 

Kaya naman ano pa ang hinihintay ninyo, maghanda na para sa Mega Job Fair at aasahan namin ang inyong pagdating sa Doña Juana Covered Court!