Pasig City, Kaisa sa Pagdiriwang ng Fire Prevention Month: “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa”
March 6, 2025
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagtalima sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso na may temang "Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa."
Sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection at ibang tanggapan, magsasagawa ng mga aktibidad, na pangungunahan ng Disaster Risk Reduction and Management Office, ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa Fire Prevention Month.