Pasig City Incident Command Team Activation | August 29, 2026

August 29, 2026


Itinaas ang RED Alert Level sa Lungsod ng Pasig kaninang 02:00PM. Kaugnay nito, in-activate ang Incident Management Team (IMT) simula 05:00PM bilang preparedness measure para masiguro ang isang coordinated response para matugunan ang mga epekto ng Habagat sa Lungsod ng Pasig.

Isang  Operational Period Briefing ang isinagawa kaninang 06:00PM sa pangunguna ni Deputy Incident Commander Aaron Jacob Omaña.

As of 07:00PM, nasa 869 kawani ng Pamahalaang Lungsod at nasyonal na pamahalaan (Bureau of Fire Protection), kasama ang mga kinatawan mula sa mga pamahalaang barangay at non-government organization Fire and Rescue Volunteer Groups ang deployed bilang parte ng IMT.

Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Emergency Operations Center (EOC) at (02) 8643-0000.