Pasig City General Hospital, Pinangaralan sa 2025 Healthy Hospital Awards

October 22, 2025



ππ€π’πˆπ† π‚πˆπ“π˜ 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹, ππˆππ€π‘π€ππ†π€π‹π€π 𝐒𝐀 πŸπŸŽπŸπŸ“ π‡π„π€π‹π“π‡π˜ π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒

Kinilala ang Pasig City General Hospital (PCGH) matapos magkamit ng iba’t ibang parangal mula sa Department of Health – Metro Manila Center for Health Development sa ginanap na 2025 Healthy Hospital Awards noong Biyernes, October 17, 2025, sa Midas Hotel.

Kabilang sa mga natanggap ng PCGH ang Integrated Hospital Operations and Management Program Outstanding Award, kung saan nakamit ng ospital ang 98% o Very Satisfactory rating bilang pagkilala sa kanilang pambihirang kahusayan sa pamamahala at operasyon.

Natanggap rin ng PCGH ang Excellence Award in Material Sustainability (Green Safe Health Facility Award), matapos makakuha ng 4 out of 5 stars sa Green Viability Assessment. Ang parangal na ito ay patunay ng kanilang responsableng paggamit ng mga materyales at pagsusulong ng mga sustainable na gawain sa operasyon ng ospital.

Pinangunahan nina Dr. Alicia P. Santos, Officer-in-Charge ng PCGH, at Ms. Eirene Joy Aldave-Magatao, Head ng Planning Management Unit ng PCGH, ang delegasyon na tumanggap ng parangal. 

Ang mga karangalang ito ay nagpapatunay na patuloy na isinasapuso ng PCGH ang misyon na maghatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat PasigueΓ±o. 

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, isang taos-pusong pagbati sa buong pamunuan ng PCGH at sa lahat ng kawani nito para sa walang-sawang paglilingkod!