PANUORIN | Mensahe ni Mayor Vico Sotto sa paggunita ng National Health Insurance Month
February 13, 2026
Tuwing buwan ng Pebrero ay ipinagdiriwang ang National Health Insurance Month. Sa Lungsod ng Pasig, nananatiling prayoridad ang pagtataguyod ng kalusugang pangkalahatan o universal healthcare at susi rito ang pagpapalakas ng pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Vico ang patuloy na pagpapalakas ng primary healthcare facilities sa Lungsod ng Pasig. Sa kasalukuyan, 36 na barangay health centers na ang accredited sa ilalim ng PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program).
Sa pamamagitan ng programang ito, mas nagiging accessible para sa lahat ang mga serbisyong pangkalusugan gaya ng libreng check-up, gamot, pati na rin mga laboratory at diagnostic test.
Panoorin ang kabuuan ng kanyang mensahe sa post ng Pasig City Health Promotion: https://web.facebook.com/share/v/17wvYTZufG/
–
Sa Lungsod ng Pasig, sama-sama nating itaguyod ang mas maayos, mas abot-kaya, at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Pasigueño.
#PasigCityHealth
#PhilHealthYAKAP