PANUORIN: Mensahe ni Mayor Vico Sotto para sa pagdiriwang ng 2026 National Women's Month ngayong Marso

March 7, 2026

Ipinaalala ni Mayor Vico Sotto ang kahalagahan ng pamumuno at naging ambag ng mga sinaunang kababaihan, ang mga Babaylan, sa paghubog ng ating pagkakakilanlan bilang isang bayan, alinsunod sa tema ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon na “Lead Like the Babaylans, Filipinas.”
Sa kanyang mensahe, ibinahagi rin niya na sa Lungsod ng Pasig:
✅ Ipinapatupad ang Safe Spaces Ordinance para sa kaligtasan ng mga kababaihan laban sa anumang anyo ng karahasan;
✅ Tinitiyak na may boses ang kababaihan sa pamamahala, sa pamamagitan ng kanilang representasyon sa mga local special body; at
✅ Nagbibigay ng pantay na akses sa oportunidad, kabuhayan, at mga serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng mga kababaihan.
Bilang pagtatapos, hinikayat ni Mayor Vico ang bawat Pasigueño na makiisa sa pagtataguyod ng isang Lungsod Pasig na may pagkilala sa lakas ng kababaihan at nagsusulong ng paninindigan tungo sa isang ligtas, patas, at pantay na lipunan para sa lahat.

I-check ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/1382775756945988