Pansamantalang Pagsasara ng NICU ng PCGH Hanggang July 20 para sa Disinfection

July 17, 2025

ππ€π’πˆπ† π‚πˆπ“π˜ 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜

DEPARTMENT OF PEDIATRICS

Ipinapabatid po sa publiko na kasalukuyang sumasailalim sa terminal cleaning, misting, at UV disinfection ang Neonatal Intensive Care Unit ng Pasig City General Hospital simula kahapon, July 16, 2025.

Kaugnay nito, pansamantalang sarado ang nasabing pasilidad hanggang sa Linggo, July 20, 2025, sa ganap na 08:00AM.

Sa mga nabanggit na araw, pansamantalang lilimitahan din ang pagtanggap ng mga high-risk OB-GYN cases sa nasabing pasilidad.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na tiyakin ang kalinisan, kaligtasan, at mataas na kalidad ng serbisyong medikal para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos po naming pinahahalagahan ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital. 

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.